Gilas Pilipinas
Sports

Gilas Pilipinas, malaking bahagi ng buhay ni Marc Pingris

Ibinahagi ng dating manlalaro na si Marc Pingris ang naging pagdalaw nito sa ensayo ng national sa basketball team, Gilas Pilipinas noong Lunes, June 18, sa Meralco Gym.

Bagama’t hati ang kanyang oras sa pamilya at pagbabasketball ay maaga itong dumating sa gym upang mapanood ang training ng kanyang dating teammates at makita ang kanilang coach na si Chot Reyes.

Ayon sa tinaguriang Pinoy Sakuragi, bagama’t hindi ito makakasama sa laban ng koponan sa ibang bansa ay hindi  nawawala ang kanyang koneksyon sa koponan na nabuo noong 2013 at mananatili parte ng kanyang buhay ang Gilas.

Ayon kay Pingris, “Even when they’re competing out of the country, we keep in touch. The bond that we formed back in 2013 is something that will never be broken. Gilas will always be a part of my life.”

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *