Germany
National

Germany, nangangailangan ng 50 nurses at 300 caregivers

MAY magandang oportunidad ang Germany para sa mga Pinoy nurse at caregivers.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), nasa 50 nurses at 300 care workers ang kailangan ng Germany.

Kabilang sa mga kuwalipikasyon para sa nurses ay dapat graduate ng Bachelor of Science in Nursing at may aktibong PRC License; may minimum na dalawang taong experience sa hospital work o propesyon; may German language proficiency o handang sumailalim sa German language training para makuha ang Level B1.

Nasa 2,000 Euros o mahigit 100 na libong piso ang buwanang sweldo ng kuwalipikadong nurse at caregivers.

Maaari namang i-tsek ng mga interesadong aplikante ang oportunidad sa website ng ahensya.

Una nang inanunsyo ng POEA na nangangailangan ng 50 nurses at 300 caregivers ang Japan.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *