BSPGeneral Alert Reminder
National

General alert reminder, inilabas ng BSP

Naglabas ng ‘General Alert Reminder’ ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa mga local financial institutions kasunod ng cyber attack sa Malaysian Central Bank.

Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla, nakatanggap sila ng advisory mula sa Bank Negara Malaysia (BNM) na kailangan maging mas maingat lalo na sa mahabang holiday sa bansa.

Sinabi ni Espenilla na ang “information sharing” na ito ay bahagi ng kanilang pinaigting na protocols kontra cyber-crime.

Gayunpaman, tiniyak ni Espenilla na magmula noong Miyerkules ay wala silang natatanggap na specific threat.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *