gas subsidy
National

Gas subsidy sa mga PUV drivers, natapyasan

Natapyasan ang gas subsidy ng gobyerno para sa mga driver ng Public Utility Jeepney (PUJ) sa bansa.

Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Undesecretary Tim Orbos na naapektuhan ng buwis sa TRAIN Law ang P970-M na budget para sa gas o fuel subsidy ng kabuuang 180,000 jeepney sa bansa na mayroong kaukulang prangkisa.

Sa kabila nito, tiniyak ni Orbos na tuloy-tuloy naman itong ibibigay sa mga driver ng PUJ.

Sa ngayon ay may subsidy na sampung libong piso (P10, 000) ang bawat PUJ na inaasahang madadagdagan sa 2019 at 2020 ng hanggang 20,000 pesos.

Kaugnay nito, nagbanta ang ilang transport operators na magsasagawa ng tigil-pasada kapag hindi pinagbigyan ang hirit na dagdag singil sa pasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Modernong jeepneys, papasada na sa mga lansangan

Samantala, papasada na ngayon sa mga lansangan sa Metro Manila ang mga bago at modernong Public Utility Jeepneys (PUJS).

Ito ang inanunsyo ng DOTr bilang bahagi ng PUV Modernization Program ng Duterte Administration.

Layon ng programa na makapagbigay ng de kalidad, ligtas, environment-friendly at abot-kayang public transport sa mga mamamayan.

Ayon sa DOTr, binigyan na nila ng ‘go signal’ sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang Senate Employees Transport Service Cooperative (SETSCO) na ilunsad ang kanilang mga bago at modernong pujs.

Magsisimula nang bumiyhae ang labinlima (15) sa kabuuang tatlumpu’t limang (35) modernong unit ng PUJ na may rutang Star City-CCP hanggang PICC, GSIS-Senate hanggang MOA hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at pabalik.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *