Game 4
Sports

Game 4 sa pagitan ng Magnolia Hotshots at Alaska Aces, mas magiging mainit kumpara sa mga naunang laban

Sa PBA, sisikapin ng Magnolia Hotshots na masungkit ang panalo laban sa Alaska Aces sa kanilang Game 4 sa best-of-7 series ng 2018 PBA Governors’ Cup Finals mamayang gabi.

Target ng Hotshots na mailagay 3-1 ang kanilang series at mailapit ang kanilang tyansa na masungkit ang kanilang bagong championship title.

Nitong linggo, bigong makuha ng Magnolia ang kanilang ikatlong panalo matapos silang pahirapan ng Aces at tapusin ang kanilang laban sa iskor na 100-71

Sa ngayon, nasa 2-1 ang kanilang series pabor sa Magnolia.

Inaasahan naman ni Magnolia Coach Chito Victolero na muling magiging mainit ang kanilang paghaharap mamayang gabi na gaganapin sa Araneta Coliseum.

Umaasa naman si Coach Victolero na makababalik at maayos na makapaglalaro sina Romeo Travis at Jio Jalalon matapos ang masamang pagkabagsak ng mga ito noong Game 3 kung saan hindi nila natapos ang laro laban sa Aces.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *