National

Full computerization sa BOC, ipinanawagan ng isang mambabatas

Upang maiwasan na umano ang matagal nang problema ng  korapsiyon sa loob ng Bureau of Customs (BOC), iminungkahi ni ng isang mambabatas  na gawing fully computerized ang proceso sa naturang ahensiya.
Mariing iminumungkahi ni House Committee On Dangerous Drugs Chairman Rep. Ace barbers na gawing fully computerized ang Bureau of Customs (BOC).
Itoy kaugnay sa iba’t-ibang isyu ng korapsiyon na kadalasang na nababalita sa nasabing ahensiya.
Partikular na dito ang kahina hinalang pagkakasabat ng malakihang bulto ng shabu na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon kung saan bigong aminin ng ilang opisyal ng BOC kung sino ang may kasalanan sa naturang iligal na transaksiyon.
Naniniwala si Barbers na sa pamamgitan ng computerized transaction system, ay maiiwasan ang isyu ng kurapsiyon dahil sa kabawasan ng human intervention na kadalasang dahilan ng mga iligal na negosasyon partikular na sa mga pantalan.
Maliban dito, iminungkahi din ng mambabatas na siguruhing maisailalim sa 100 percent physical check ang bawat kargamentong manggagaling sa China.
Matatandaang halos lahat ng iligal na droga ay nanggagaling sa China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *