fuel tax hike
International

France, ipinagpaliban ang fuel tax hike

NAPAGDESISYUNAN ng France na ipagpaliban ng anim na buwan ang panibagong fuel tax hike.

Matapos ang malawakang pagpoprotesta sa bansa.

Maliban dito ay inanunsyo ni Prime Minister Edouard Philippe ang price freeze o pagpapanatili ng presyo sa gas at kuryente.

Matatandaang nagprotesta ang mga average-worker na Pranses o tinatawag na “yellow vests.”

Dahil sa umano’y patuloy na pagtaas ng buwis ng gasolina at halaga ng pamumuhay sa bansa.

Inabot ng tatlong linggo ang pagproprotesta ng nasa 75,000 katao na nagresulta sa isang matinding riot at ikinamatay ng tatlong iba pa.

Sa kabila ng pagsuspinde sa buwis at taas presyo ay nagbanta ang mga protestante na patuloy ang kanilang pagpoprotesta.

Laban sa political elite at sa kasalukuyang sistema ng gobyerno sa France.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *