France
Sports

France, Champion sa FIFA World Cup

Nasungkit ng France ang kampeonato ng FIFA World Cup matapos talunin ang Croatia sa score na 4-2.

Pangalawang pagkakataon na ito ng France na makuha ang kampeonato matapos ang 20 taon.

Ang naturang laban na ginanap sa Russia ay tinuturing na ‘highest scoring’ final mula pa noong 1966.

Samantala, nakatakdang ganapin sa bansang Qatar ang susunod na FIFA World Cup sa 2022.

Una ng kinuwestyon ang naging desisyon ng FIFA na gawing host ang Qatar. Dahil bukod sa isa sa pinakamaliit na bansa ang Qatar ay wala itong nakahandang stadium infrastructure.

Ngunit idiniin naman ng Qatar Emir na mapagtatagumpayan nito ang mga kinakaharap na hamon at gagawin ng kanilang bansa ang lahat upang maging matagumpay ang 2022 FIFA World Cup.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *