Sports

Former wrestler Dave Batista, nagretiro na sa WWE

INANUNSYO ng WWE world champion at aktor na si Dave Batista ang kaniyang retirement sa sports entertainment nitong nakaraang linggo.

Ginawa ni Batista ang kaniyang desisyon matapos ang huling match nito sa Wrestle Mania 35 kontra kay Triple H.

Ginanap ang naturang wrestling sa Metlife Stadium sa New Jersey.

Sa naging post naman nito sa kaniyang Instagram, ani Batista na dumating na ang panahon para isara ang isang kabanata sa kaniyang buhay.

Dagdag pa ng 50-year-old wrestler na proud ito sa kaniyang sarili sa lahat nang narating nito sa mundo ng wrestling.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Batista sa lahat ng naging parte ng kaniyang kampanya at karera sa WWE.

Matatandaan naman nito lang Febraury 25 nang muling bumalik si Batista sa WWE.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *