Filippo Magnini
Sports

Former world champion swimmer nabigyan ng 4-year ban

NALALAGAY ngayon sa alanganin ang karera ng former world champion swimmer na si Filippo Magnini.

Kasunod ng pagpapataw dito ng 4-year ban ng NADO, ang anti-doping agency ng Italya.

Kasama ni Magnini na nabigyan din ng ban at humaharap sa imbestigasyon ay ang kaniyang fellow swimmer na Michele Santucci.

Dahil sa paggamit ng iligal na droga.

Mariin namang itinanggi ito ng Italian swimmer pagkaraang mapabilang ang kaniyang pangalan sa listahan.

Sinabing magsusumite ito ng apela dahil wala namang konkretong pruweba ang ahensya.

Matatandaan namang, nakasungkit ng gintong medalya si Magnini sa 100-meter freestyle noong 2005 at 2007 world championships.

At nakuha ang bronze medal sa 4×200 freestyle relay sa 2004 Athens Olympics.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *