National

Foreign assistance para sa bangon marawi bumuhos

Bumuhos ang alok na tulong mula sa international community para sa ‘bangon marawi’ program ng gobyerno.
Sa isinagawang mindanao hour sa malacañang, sinabi ni budget secretary benjamin diokno na kabilang sa mga handang tumulong sa bansa ay ang world bank, asian development bank, estados unidos, china, russia, at india.
Gayunman, hindi pa aniya nila maidetalye kung magkano at anong paraan ng assistance ang ibibigay ng mga foreign donor.
Sa ngayon, nasa limang bilyong piso mula sa 2017 national budget ang magagamit sa ‘bangon marawi’ program pero posibleng mahigit dalawampung bilyon ang kakailanganin para sa mga imprastrukturang itatayo sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *