Colin Kaepernick
Sports

Footballer Colin Kaepernick, bagong mukha ng isang sports apparel

TILA isang malaking blessing ang pagkakapili kay former national football league player na si Colin Kaepernick.

Bilang isa sa bagong mukha ng isang apparel ng ‘Just do it’ campaign motto ng isang iconic sports apparel brand.

Ito ay parte na din ng ika-30 taong anibersaryo ng nagpapatuloy na inspirasyong mensahe ng campaign motto.

Si Colin Kaepernick ay lumagda ng endorsement contract sa nasabing iconic brand noong 2011 ngunit hindi nabibigyan ng break sa huling dalawang taon.

Ayon kay Gino Fisanotti, vice president ng Sports Apparel brand, aniya naniniwala silang isang malaking inspirasyon si Kaepernick sa mga atleta sa buong mundo.

“We believe Colin is one of the most inspirational athletes of this generation, who has leveraged the power of sport to help move the world forward,”aniya.

Kasama naman ni Colin Kaepernick sina  odell Beckham Jr.Shaquem GriffinLacey BakerSerena Williams at Lebron James.

Na magpapatuloy at magbibigay ng bagong kahulugan sa campaign motto lalo na sa mga bagong henerasyon ng atleta.

Matatandaang nagbukas ng protest against racial injustice ang footballer kontra NFL habang nakaluhod na kinakanta ang kanilang national antheme bago magsimula ang game.

Sa ngayon ay nanatiling free agent ang football player na si Colin Kaepernick.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *