Azkals
Sports

Football team Azkals, lumahok sa Bangabandhu Gold Cup

LUMAHOK ang Philippine Men’s Football National Team Azkals sa Bangabandhu Gold Cup International Football Tournament.

Nagsimula na kahapon ang naturang tournament at magtatagal ito hanggang Oktubre 12.

Ito ay parte pa din ng paghahanda ng Azkals sa nalalapit na 2018 AFF Suzuki Cup ngayong Nobyembre.

Nakatakda ring lumahok ang naturang koponan sa 2019 AFC Asian Cup.

Magpakitang gilas ang Pilipinas na kabilang sa Group B na binubuo ng bansang Nepal, Palestine, at Tajikistan.

Una namang makakaharap ng national team ng Pilipinas ang Laos bukas, October 3.

Makakalaban din nila ang host ng torneyo, ang Bangladesh sa October 5 na parehong gaganapin sa Sylhet Zila Stadium.

Aabante naman sa knockout stage ang dalawang koponan na mangunguna sa bawat group stage.

Samantala, kukumpleto at bubuo sa 21 roster ng Team Philippines ay sina:

Louie Michael Casas, Eduard Sacapano, Nathanael Villanueva, Amani Aguinaldo, Jerry Barbaso, Julian Mariano Clarino, Anton del Rosario, Jordan Blair Jarvis, Alvin Ken Sarmiento, Nathanael Andrew Alquiros, Marwin Angeles, Kenshiro Daniels, Angel Guirado, Angelo Marasigan, Hikaru Minegishi, Paolo Salenga, Fitch Arboleda, Misagh Bahadoran, Jovin Bedic at Jarvey Gayoso.

Nasa ilalim naman ng pangangalaga ni Head Coach Scott Cooper ang Ph Men’s Football Team.

Kasama ni Cooper sina Andres Gonzales at Randolfo Clarino.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *