production
National

Fish production ng bansa sa 1st quarter ng 2018, bumaba

Inihayag ni Senador Cynthia Villar, Chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, na bumaba ng may isang milyong metric tons ang volume ng total fisheries production sa first quarter ng 2018.

Mas mababa ito ng 3.03% sa level nitong nakaraang tatlong buwan noong 2007.

Sa data ng Philippine Statistic Authority (PSA) mula Enero hanggang Marso 2018, bumaba ang fisheries production sa tatlong subsectors ng fishing industry-commercial, municipal fisheries at aquaculture.

Partikular ang downtrends sa roundscad (14%), yellowfin tuna (11.66%), milkfish (7.38%) at tilapia (5.43%).

Hinikayat ni Villar ang farm school at learning site owners, mga lider ng mangingisda at samahan ng mga magsasaka, mga kinatawan ng kooperatiba at guro ng K to 12 technology and livelihood education na isapuso ang mga leksyon at kaalamang nakuha sa pagsasanay.

Pilipinas, mag-aangkat ng galunggong

Magiging stabilize na ang presyo ng galunggong sa mga pamilihan sa bansa.

Ito ay matapos aprubahan ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang pag-aangkat ng bansa ng nasa 17 metric tons ng galunggong.

Ginawa ito ni Piñol tatlong buwan bago matapos ang fishing season sa buwan ng Nobyembre.

Kaugnay nito, naglabas si Piñol ng Certificate of Necessity kung saan inaatasan ang BFAR at Philippine Fisheries Development Authority na i-monitor ang importation at unloading ng galunggong sa Navotas Fish Port.

Nilagyan din ng limang porsyentong taripa para sa importasyon ng galunggong.

Inaasahang darating sa bansa ang inangkat na galunggong sa September 1 December 31.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *