Darren Criss
Showbiz

Fil-Am actor Darren Criss bumisita sa El Nido kasama ang asawa

GINUGOL ng Filipino-American award-winning actor na si Darren Criss ang kanyang romantic weekend.

Kasama ng ng aktor ang kanyang asawa at fellow artist na si Mia Swier sa El Nido, Palawan.

Sa isang Instagram post makikita ang aktor na kayakap ang asawa na may scenic view ng beach sa kanilang likod.

Very vocal ang 32-year old former “Glee” star na magkaroon ng kontak sa kanyang Filipino roots nitong mga nakaraang araw.

Nang manalo si Criss ng una niyang Golden Globe Award, inaalay niya ang kanyang panalo sa kanyang ina na aniya ay “a firecracker Filipina woman from Cebu.”

Nanalo si Criss ng Best Performance by an Actor in a Limited Series or a Motion Picture Made for Television sa nakaraang 76th Golden Globe Awards.

Mas kilala naman si Criss sa kanyang role sa Hollywood television show na “Glee.”

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *