National

Federalismo sa pamamagitan ng ‘Con-Con’, isinusulong

Pabor si Buhay Partylist Representative Lito Atienza na isulong ang federalismo sa pamamagitan ng Constutional Convention (Con-Con) kung saan ay maghalalal ng mga kinatawan na siyang babalangkas ng batas.
Sa ginanap ng pulong balitaan sa Manila sinabi ni Atienza na hindi siya sang-ayon sa  constitutional assembly kung saan ang proseso nito ay  sila mga kongresista mismo ang babalangkas ng batas.
Paliwanag ng mambabatas dapat isang eksperto o espesyalista ang gagawa o babalangkas  ng batas upang hindi maabuso ng ibang pulitiko ang naturang pagbabago sa konstitusyon.
Giit ni Atienza hindi siya tutol sa federalismo pero dapat pag aralan ng mabuti kung ano ang posibleng epekto nito sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *