National

Federalismo, gagawing simple—House Speaker Alvarez

GAGAWING simple lamang ng Kongreso ang istruktura ng gobiyerno sa ilalim ng
federalismo.

Ito ang inihayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez bagamat wala pang malinaw kung anong porma ng federalismo ang gagawin.
Nais ni Alvarez na maging simple ito na madaling maintindihan ng publiko ang bawat fuctions at probisyon.
Ayon kay Alvarez, ito ang kanilang bubuuin sa mga susunod na pagpupulong kasama ang mga lider ng senado.
Samantala, tiniyak ni Alvarez na tuloy ang 2019 Election at kung sakali hindi mahabol ang plebesito sa barangay election ngayong mayo ay sa midterm election na lamang din ito gagawin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *