Metro

Faeldon, posibleng patawan ng parusang kamatayan

Posibleng kaharapin ni former Bureau of Customs Chief Nicanor Faeldon ang parusang kamatayan matapos nitong ipag-utos na magtanim ng ebidensya sa isang drug raid nito kaugnay ng P6.4-B na halaga ng shabu na nasabat sa Valenzuela City.
Ayon kay Surigao Del Norte Rep. Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, maaari umano papanagutin si Faeldon sa pamamahala ng raid na walang search warrant at pagtatanim nito ng ebidensya nang buksan nito ang mga nasabat na shabu mula sa mga metal cylinder nito na walang pahintulot mula sa PDEA.
Ani Barbers, naglunsad ang BOC ng raid sa pamamagitan ng Letter of Authority mula kay Faeldon.
Paliwanag nito, sa ilalim ng Section 29 ng Republic Act 9165, sinumang tao na magkakasala ng pagtatanim ng ebidensya ng droga o kahit na anumang delikadong kemikal ay maaaring humarap sa parusang kamatayan.
Lumabas sa pagdinig ng Dangerous Drugs Panel noong Agosto 2 at Agosto 7, mga BOC official lang umano at NBI agents ang sumugod sa raid sa Hong Fei warehouse na pagmamay-ari ni Richard Tan. Walang search warrant at walang PDEA agent umano ang dumalo rito.
Ilang oras lamang matapos masabat ang shabu ay saka pa lamang dumating ang mga agent ng PDEA. Nagulat umano ang mga ito matapos makita ang daan-daang kilo ng shabu na nakalatag sa sahig at natapos na ang operasyon ng hindi nila nalalaman.
Ayon sa mga opisyal ng PDEA, makikita umano ang presensya ni Faeldon, Estrella at Atty. Magsusi ang chief finance ng BOC at mismong si Richard Tan sa raid.
Matapos nito, nagplano umano si Faeldon na magkaroon ng controlled delivery sa isang warehouse ng nagngangalang Fidel Anoche Dee kung saan nakasulat ang pangalan nito sa isang crate na naglalaman ng 100 kilo ng shabu.
Inalmahan umano ito ng mga agent ng PDEA ngunit hindi na lang nakipagtalo pa kay Faeldon at sa ibang mga taga-Customs at NBI. – Almar Forsuelo – SMNI News Channel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *