National

Anak ni BuCor Chief Nicanor Faeldon, kabilang sa mga naaresto sa isang drug den sa Naga City

KINUMPIRMA ni PDEA Bicol Information Officer Cotton Yuson Talento na kabilang ang anak ni Bureau of Correction (BuCor) Chief Nicanor Faeldon sa nadatnan sa bahay ng isang drug suspect sa Zone 4 sa Barangay Mabolo, Naga City.

Ayon kay Talento, nakita si Nicanor Faeldon Jr. Sa loob ng bahay ni Russel Lanuzo na target ng search warrant na isinilbi ng Regional Police Drug Enforcement Unit at Naga City Police Drug Enforcement Unit.

Ani Talento, walang pang spot report na isinusumite sa pdea bicol mula sa operationg units.

Kabilang naman sa nadatnan sa raid ang girlfriend ni Faeldon Jr. At isang panglalaki

Isasailalima naman sa drug test ang nakababatang Faeldon matapos itong hindi maaktuhang gumagamit ng iligal na droga.

Tugon naman ni Faeldon Jr. Na inosente siya at nagkataon lang na nasa bahay siya dahil kasintahan niya ang anak ni Lanuzo.

Kumpyansa rin ito na magiging negatibo siya sa isasagawang drug test sa kanya.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang mga naarestong suspek.

BuCor Chief Faeldon, naghain ng Leave kasunod ng pagkakaaresto ng kanyang anak sa isang drug den sa Naga City

Naghain ng leave si Bureau Of Correction (BuCor) Chief Nicanor Faeldon matapos masangkot ang kanyang anak na si Nicanor Faeldon Jr. Sa isang drug raid sa Naga City kaninang madaling araw.

Ayon kay Faeldon, hinihintay na lamang niya ang magiging tugon ni DOJ Sec. Menardo Guevarra sa inihain nitong leave.

Agad naman aniya siyang magbibitiw sa pwesto sakaling mapatunayang sangkot ang kanyang anak sa iligal na droga o kahit gumagamit lamang ito.

Sinabi naman ni Faeldon, hindi siya makikialam at hindi niya tutulungan ang anak sa kakaharapin nitong kaso.

sa katunayan aniya ay hindi siya tinatawagan ni Faeldon Jr. para humingi ng tulong.

Gayunman, sinabi ni Faeldon na sa tingin niya ay hindi ito gumagamit ng iligal droga pero hahayaan na muna aniya na magpatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Kinumpirma naman ni DOJ Spokesperson at Undersecretary Mark Perete, nag-abiso si Faeldon na magle-leave muna sa pwesto habang iniimbestigahan ang kaso ng kanyang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *