F1 racer
Sports

F1 racer Lewis Hamilton, humataw sa Italian Grand Prix

NAGPASIKLAB at muling humataw si F1 racer Lewis Hamilton ng Team Mercedes pagkaraan nitong masungkit ang ikalimang titulo ng Italian Gran Prix.

Naunahan ni Hamilton ang German Ferrari driver na si Sebastian Vettel na angat ng 30 points at makokonsiderang closest race rival ng Mercedes.

Kasunod nito ay umangat na si Hamilton sa 256 points habang nakapagtala naman ng 226 points ang katunggali nitong si Vettel.

Sa naging pahayag naman ni Hamilton, aniya hindi naging madali ang kaniyang laban ngunit ito ang nagpalakas sa kaniya para magpatuloy.

Dagdag pa nito na gustong gusto nito ang Italia kung saan nilarawan pa ni Hamilton ang track na incredible.

Isang karangalan aniya ang magwagi sa harap ng ganitong klaseng crowd.

Samantala, pumantay na din sa track record ni Veteran F1 racer Michael Shcumacher si Lewis Hamilton matapos magwagi nitong linggo.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *