Extension
National

Extension sa botohan hindi pinagbigyan ng COMELEC

Hindi nagbigay ng Extension ng botohan ang Commission on Elections.

Nilinaw ni COMELEC Spokesman James Jimenez na ginawa lamang ang pagpapalawig ng oras sa mga lugar na atrasado na ang pagsisimula ng halalan.

Paliwanag ni Jimenez na may mga problemang hindi maiwasan na kung minsan ay nagpapaantala ng proseso.

Sa kabila nito, pinagbigyan pa rin ng COMELEC na makaboto ang mga botante na inabot ng closing sa pila ilang oras bago ang pagtatapos ng voting time.

Eksakto alas tres ng hapon ay isinara ang botohan sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *