Metro

Exemption sa ‘traffic violation’ sa mga kongresista, pag-aaralan—MMDA

Pag-aaralan pa ng Metro Manila Development Authority (MMDA), kung bibigyan nila ng exemption o “Parliamentary Immunity” ang mga mambabatas kapag nahuli ang mga ito sa mga minor traffic violations.
Sinabi ng MMDA, para sa lahatang pagpapatupad ng batas-trapiko at walang exempted dito.
Gayunman, nagbibigay naman aniya sila ng prebelehiyo sa iba ng mga madalas ay nasa emergency status ang hanap-buhay tulad ng mga doktor, ilang miyembro ng media, bumbero atbp. at persons with disabilities.
Tumangging magbigay ng komento si Lim hinggil sa naturang usapin dahil wala pa aniya silang natatanggap na formal request mula sa mga mambabatas.
Matatandaan, nahiniling ni House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas, nabigyan aniya sila ng “parliamentary immunity”,  ibig sabihin exempted silang hulihin sa mga minor traffic violation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *