registration
National

Exclusive registration ng Comelec, itinakda sa Sept. 5

NAGTAKDA ang Commission on Elections (Comelec) ng isang araw na eksklusibong registration.

Para ito sa mga senior citizen at Person With Disability (PWD) sa lahat ng kanilang tanggapan sa buong bansa.

Sa Setyembre 5, araw ng Miyerkules ang itinakdang araw ng Comelec para sa special exclusive registration.

Pero ayon sa Comelec, tatanggap din sila ng mga bagong registrants, reactivation, transfer, at correction o change of entries sa nasabing petsa.

Kailangan lamang magdala ng mga kinakailangang requirements gaya ng valid ID’s, marriage contract at birth certificate.

Ang special registration ay bahagi ng paghahanda ng Comelec para sa nalalapit na halalan sa Mayo 3 sa susunod na taon.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *