Regional

Ex-mayor ng Leyte sinampahan ng kasong graft sa Sandiganbayan


Sinampahan ng Ombudsman ng kasong graft sa Sandiganbayan ang dating mayor ng Jaro, Leyte.
Sa inihaing reklamo ng Ombudsman, bigo umano si dating Jaro, Leyte Mayor Floro Katangkatang na ma-liquidate ang aabot sa P552,000.
Dahil dito, nahaharap si Katangkatang sa isang count ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Malversation of Public Funds.
Nakita rin na posibleng nagamit ito para sa pansiriling interes.
Inirekomenda naman ng Ombudsman ang P70,000 piyansa para sa kaso ni Katangkatang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *