Ombudsman
National

Ex-DOTr Sec. Abaya at 16 iba pa, kakasuhan ng Ombudsman

Nakahanap ng sapat na dahilan ang Ombudsman para sampahan ng kaso sa Sandiganbayan si dating Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya at 16 na iba pa dahil paglabag ng Section 3(E) ng Anti-Graft and corrupt Practices Act.

Ito ay may kaugnayan sa maanomalyang P4.2-B maintenance contract ng MRT-3 sa Busan Joint Venture.

Batay sa resolusyon inilabas ng Ombudsman, nilabag ng dating mga opisyal ang pag-aawards ng kontrata para sa maintenance ng MRT-3 sa Busan Joint Venture.

Ayon sa Ombudsman, hindi technically, legally at financially capable ang Busan Joint Venture para sa MRT-3 long-term maintenance contract.

Malinaw ayon sa Ombudsman na pinaboran ng DOTR ang Busan kahit hindi ito kuwalipikado.

Binalewala ni Abaya ang batas sa rules and regulations at standard operating procedures nang payagan niyang mai-award ang kontrata sa Busan Joint Venture.

Kabilang sa mga pinakasuhan ng Ombudsman ay ang mga dating Undersecretary ng DOTr, MRT General Manager, MRT-Bids and Awards Committee, ilang opisyal ng TMI Corporation Inc., at ang Busan Universal Rail Inc.

Ito ay ang mga sumusunod:
  • DOTr Undersecretaries Edwin Lopez
  • Rene Limcaoco (Head of the Negotiating Team)
  • Catherine Jennifer Francis Gonzales (Vice-Head, Negotiating Team)
  • MRT-3 General Manager Roman Buenafe
  • Camille Alcaraz (Assistant Secretary for Procurement)
  • Ofelia Astrera (Vice-Chairperson, MRT3 Bids and Awards Committee)
  • Charissa Eloisa Julia Opulencia (Attorney V)
  • Oscar Bongon (Chief, Engineering Division)
  • Jose Rodante Sabayle (Engineer III)
  • Private respondents Eldonn Ferdinand Uy of Edison Development and Construction
  • Elizabeth Velasco of Tramat Mercantile Incorporated, Belinda Tan of TMI Corporation, Inc.
  • Brian Velasco of Castan Corporation
  • Antonio Borromeo
  • Jun Ho Hwang
  • Elpidio Uy from Busan Universal Rail, Inc. (BURI)

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *