National

Ex-DOTC Sec. Abaya, kumpiyansang maipapanalo ng kanilang panig ang mga kasong sinampa ng DOTR

NANINIWALA si Dating Transportation and Communication Secretary Jun Abaya na maipapanalo niya ang mga kasong isinampa laban sa kanya ng Department of Transportation kaugnay sa umano’y maanomalyang maintenance contract ng MRT-3.
Sinabi ni Abaya na sabay sabay nilang lilinawanin ng mga kapwa akusado ang mga alegasyon laban sa kanila.
Nanindigan ang dating kalihim na wala siyang ginawang paglabag sa batas noong siya ay nanunungkulan pa.
Aminado si Abaya na na-delay ang pag-asikaso sa mga problema ng MRT ngayon dahil sa aniya’y maling alegasyon.
Si Abaya at Dating DILG Secretary Mar Roxas at ilan pang dating opisyal ng Aquino administration ay kinasuhan ng DOTr ng graft at paglabag sa Government Procurement Law.
(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *