National

Ex-DENR Sec. Lopez, nagpasalamat sa babala ni Duterte vs mining companies

Nagpasalamat si dating DENR Secretary Gina Lopez sa babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mining company na ayon sa kanya ay responsable sa pagkasira ng kapaligiran kagaya ng nangyayari sa Mindanao.
Magugunita na sa State Of The Nation Address ni Duterte, tahasang sinabi nito na dapat i-restore ng mga minahan ang “virginity” ng resources na kanilang sinira o di kaya’y papatungan ang mga ito ng mataas na buwis.
Sinabi ni Lopez na hindi ang illegal mining kundi ang large-scale mining ang pumipinsala sa taniman ng mga magsasaka na nakapaligid sa mga minahan.
Ngayong wala na sa gobyerno si Lopez, itinayo nito ang ‘I Love’ Organization na tumutulong sa mga Pilipino sa pamamagitan ng green economy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *