National

Ex CJ Reynato Puno: BBL, isa sa mga layunin ng CHA-CHA

PANGUNAHING prayoridad ang pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL) sa pag-aaral ng consultative commission sa 1987 Constitution.
Ito ang sinabi ni Dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno.
Isa aniya sa dahilan ng pagpalit ng sistema ng pamamahala sa bansa ay para masolusyunan ang problema sa Mindanao.
Sinabi ni Puno na makikipagpulong ang mga miyembro ng CON-COM kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang biyahe nito sa India.
Ito aniya ay upang pag-usapan ang mga inisyatibo sa charter change (CHACHA).
Dagdag pa ni Puno na hahatiin ang pag-aaral sa CHA-CHA sa mga miyembro ng consultative body, base sa kanilang expertise.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *