National

EU: Pilipinas hindi na tumatanggap ng tulong


Hindi na tatanggap ng development aid mula sa European Union (EU) ang Pilipinas.
Ito ang inanunsiyo ni EU Ambassador Franz Jessen.
Ani Jessen, nasa 250 milyong euros o higit 13 bilyong piso na para sa mga Muslim community ang mawawala sa pagtangging ito ng bansa.
Ang nasabing hakbang ng Pilipinas ay nangyari matapos ang bilyun-bilyong dolyar na pangakong tulong ng China.
Wala naman nang ibinigay na detalye pa si Jessen.
Ang EU ang isa sa mga kritiko ng war on drugs ng administrasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *