National

EO para sa ‘en-do’, wala pang lagda ng pangulo—Malakanyang

KINUMPIRMA ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi pa nalalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) na magpapatupad ng mahigpit na probisyon laban sa end of contract scheme o en-do.

Ito ang pahayag ni Roque kasunod ng pagpupulong ni Pangulong Duterte sa mga labor groups sa Malakanyang.

Ayon kay Roque, hiniling ni Pangulong Duterte sa mga labor leaders na bigyan pa siya ng mas mahabang oras bago maglabas ng EO kaugnay sa en-do.

Aniya, pinag-aaralang mabuti ng pangulo ang mga dokumentong may kinalaman sa endo bago lagdaan ang EO.

Matatandaan na nangako ang pangulo noong Labor Day na maglalabas ito ng EO laban sa endo dahil karapatan ng mga manggagawa ang security of tenure.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *