NAGSIMULA
National

Election period ng national and local elections, inilabas

NAGSIMULA na ngayong araw ang paghahain ng Certificate of Candidacy at Certificate of Nomination sa mga partylist group.

Para sa nararating na 2019 National and Local Elections.

Sa inilabas na election period ng Commission on Elections o Comelec, tatagal ang paghahain ng COC at CON hanggang sa Oktubre 17.

Isasagawa ang campaign period para sa kandidato sa pagka-senador at part-list groups mula February 12, 2019 hanggang May 11, 2019.

Inilabas naman ang campaign period para sa mga tatakbong kongresista, at elective regional, provincial, city at municipal officials.

Magsimula ito sa March 30, 2019 hanggang May 11, 2019.

Gaganapin sa May 13, 2019, araw ng Lunes ang botohan o halalan.

Bago naman sa mismong araw ng halalan, ipatutupad ang liquor ban.

Mahigpit na ring ipagbabawal ang pangangampanya habang iiral naman ang gun ban sa buong panahon ng election period.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *