Humakot
Showbiz

Ed Sheeran, humakot ng awards 2018 Billboard Music Awards

Humakot ng maraming awards sa katatapos lang na 2018 Billboard Music Awards ang singer/songwriter na si Ed Sheeran.

Si Sheeran ay may kabuuang 15 nominasyon sa naturang music awards.

Nakuha ng British star ang major prize bilang Top Artist at Top Male Artist.

Wagi rin ito bilang Top Hot 100 Artist, Top Song Sales Artist, at Top Radio Songs Artist.

Nasungkit naman ng Half-Pinoy singer na si Bruno Mars ang Top R&B Tour at Top R&B Male Artist.

Si Taylor Swift ang itinanghal na Top Female Artist, Jay-Z sa Top Rap Tour, The Chainsmokers para sa Top Dance/Electronic Artist, Top Duo or Group ang Imagine Dragons, Top Streaming Song Artist si Kendrick Lamar, Top Touring Artist ang U2.

Si Sza naman ang Top R&B Female Artist, Top Rap Artist  at Top Rap Male Artist si Kendrick Lamar, At Top Rap Female Artist si Cardi B.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *