ecstasy
National

Higit P2-M halaga ng ecstasy, nasabat ng Customs NAIA

Nasabat ng Customs NAIA ang nasa 1,269 na piraso ng “cstasy tablets na isinilid sa isang maliit na package sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Nasa P2.157-M ang estimated street value ng mga party drugs ang nahuli na nakasilid sa 3 self-sealing plastic bags na dumating sa bansa, Oktubre noong nakaraang taon.

Napag-alaman ng mga otoridad na galing sa Netherlands ang naturang mga droga na nakapangalan sa consignee na G. Voorthuzen subalit walang nakalagay na pangalan ng consignee nito dito sa bansa.

Duda naman ng mga otoridad na “trial shipment” lamang ang naturang droga para subukan kung makakapasok ito sa bansa ng hindi nasasabat.

Noong 2018, 30 illegal drug shipments ang nasabat ng Customs NAIA sa ilalim ng direktiba ni Customs Chief Rey Leonardo Guerrero.

Sa nakaraang taon din ay umabot sa P28. 381-M ang kabuuang halaga ng ecstasy na nasabat ng mga otoridad kung saan ang malalaking bulto nito ay nagmula sa Netherlands, Germany at France.

Ayon naman kay NAIA District Collector Carmelita Talusan, mas maghihigpit pa sila sa pagsusuri sa mga parcel na pumapasok sa bansa upang maagapan ang pagpasok ng mga ilgegal na droga.

Sa ngayon ay naiturn-over na sa PDEA ang mga drogang nakumpiska.

Ulat Ni: MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *