dismayado
National

Ecowaste Coalition, dismayado sa mabagal na aksyon ng Canada

DISMAYADO ang environmental group na Ecowaste Coalition sa mga nabubulok na basura ng Canada na nakatambak sa Manila at Subic, Zambales.

Sa panayam ng Sonshine Radio at SMNI kay Aileen Lucero, national coordinator ng grupo, iginiit nito na seryoso ang pamahalaan sa usapin sa basura, alinsunod sa Basel Convention, isang international environmental agreement na parehong signatory ang Pilipinas at Canada.

Sinabi ni Lucero na kung walang kakayahan ang nag-import na ibalik ang basura ay dapat siguraduhin na ang bansang pinagmulan nito ang sasalo sa responsibilidad hinggil dito.

May ipinadala ng sulat ang Ecowaste Coalition kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau subalit mabagal umano ang pag-aksyon dito.

“Sinabi namin na madaliin ‘yong mga proseso, ‘yong mga papel. Sagot nila ay inaayos nila ‘yong mga papel na kaakibat doon sa pagkuha nitong mga basurang ito. Sinasabi nga namin, ang tagal!” ani Lucero.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *