NAITALA ang Ebola outbreak sa Congo bilang pangalawa sa pinakamalalang outbreak ng nasabing sakit sa kasaysayan.
Ito ay ayon sa pinakabagong ulat ng World Health Organization at Health Ministry ng Congo.
Ang kasalukuyang Ebola epidemic sa Democratic Republic of Congo ay nakapagtala ng 245 na pagkamatay at 426 na kaso.
Ang pinakamalalang Ebola outbreak ay nangyari sa West Africa taong 2014 na kumitil ng mahigit labing-isang libo katao.