Earth Day Jam
Metro

Earth Day Jam para sa kalikasan, aarangkada ngayong buwan

AARANGAKADA ngayong darating na April 26 ang isang engrandeng Earth Day Jam.

Pagsasama-samahan ito ng mga sikat na band group at individual performers ng bansa.

Sentro ng programa ang paalala sa publiko sa pangangalaga ng ating kalikasan, kapaligiran at wild life hindi lang sa bansa kundi maging sa buong mundo.

Ito na ang ikalabin siyam na taong anibersaryo ng Earth Day Jam sa bansa na may temang ‘Protecting our Wildlife Species.’

Ayon sa mga tagapanguna ng taunang Summer Music Event for Mother Earth, mahalaga na mapangalagaan ang ating kalikasan.

Bilang katuwang natin ito sa ating araw-araw na pamumuhay.

Kasama na ang preserbasyon sa mga natitira pa nating mga hayop na unti-unti nang nauubos dahil sa kawalan ng pagpapahalaga dito.

Gaganapin ang Earth Day Jam 2019 sa Tomas Morato concert venue Quezon City.

Kasama sa summer music jam ang A-listers band gaya ng Itchy Worms, Kjwan, Mayonnaise, Moonstar 88.

At nga individual artists na sina Abra, Noel Cabangon, Autotelic, Tanya Markova at maraming pang iba.

Katuwang din dito ang mga public and private agencies gaya ng DENR at Pasig River Rehab Commission.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *