National

Duterte, tutulak sa South Korea sa Hunyo 3-5

Nakatakdang magtungo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa South Korea sa darating na Hunyo 3-5.

Sa isang press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Ernesto Abella na ang pagbisita ng pangulo sa Sokor ay upang ipahatid sa nasabing bansa ang importansya nito sa Pilipinas at muling pagtibayin ang relasyon ng dalawang bansa.

Dadaluhan ni Pagulong Duterte ang summit meeting, business luncheon forum at E-Mart Philippine Food Festival.

“The summit meeting is expected to cover the following issues, among others, Philippine-Korea relationships, again marking the 70th anniversary of Philippines-Republic of Korea relations in 2019 after establishing official diplomatic relations with Korea on the 3rd of March of 1949.” – Ernesto Abella, Department of Foreign Affairs

Bahagi ng pagpupulong ay ang patungkol sa rehabilitasyon sa Marawi City kung saan nagbigay ng donasyon ang Korea na US$100,000 sa Philippine Red Cross.

Maliban dito, bibisitahin din ni Duterte ang Filipino Community sa South Korea kung saan tinatayang nasa animnapu’t walong libong Pilipino ang naninirahan dito.

Karamihan sa mga ito ay skilled workers, estudyante, professionals, missionaries at spouses.

Memorandum of Understanding

Dagdag pa ni Abella, may apat na Memorandum of Understanding (MOU) na nakatakdang pirmahan sa pabisita ng pangulong Duterte sa Sokor.

  • MOU sa pagitan ng Department of Transportation at ng Ministry of Land, Infrastructure and Transport ng Republic of Korea;
  • MOU sa Scientific and Technological Cooperation sa pagitan ng DOST at Ministry of Science and ICT ng Korea;
  • Loan agreement sa New Cebu International Container Port Project sa pagitan ng Pilipinas at ng Export-Import Bank of Korea;
  • MOU sa pagitan ng Department of Trade and Industry, at ng Ministry of Trade, Industry and Energy on Trade and Economic Cooperation.

 

Ulat Ni: Cresilyn Catarong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *