National

Duterte nagpaliwanag sa P3M nadagdag sa kanyang net worth


Nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit tumaas nang tatlong milyon ang kanyang yaman base sa isinumite nitong Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na inilabas ng Office of the Ombudsman.
Sinabi ni Duterte na ang naturang halaga ay nagmula sa mga hindi nagamit na donasyon para sa kanyang presidential campaign noong nakaraang eleksiyon.
Ayon sa pangulo, idineklara niya ito bilang income dahil hindi na raw nila matunton ang donors ng naturang halaga.
Base sa SALN ng pangulo na inilabas ng Ombudsman noong Biyernes, mayroon siyang total net worth na P27,428,862.44 noong Disyembre 31, 2016.
Mas mataas ito ng P3 milyon kumpara sa kanyang net worth noong Hunyo 30, 2016 — ang araw na pormal siyang umupo bilang pangulo ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *