Korea
National

Duterte, nag-state visit sa South Korea

Nasa South Korea na ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte para sa tatlong araw na official visit.

Kasama sa delegasyon ng pangulo sina Presidential Spokesperson Harry Roque at Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go at ilan pang cabinet secretaries.

Kagabi ay agad na nakipagpulong ang pangulo sa Filipino Community sa Seoul.

Tinalakay dito ng pangulo ang isyu ng open-pit mining sa Pilipinas.

Ayon kay Pangulong Duterte, sinisira ng open-pit mining ang kalikasan ng bansa.

Sinabi ni Duterte na hindi siyang magdadalawang-isip na tuluyan itong ipasara sa loob ng ilang linggo o buwan kung hindi magagawan ng paraan.

Iginiit ng pangulo na pinakaapektado ng open-pit mining ang mga mahihirap na mangingisda dahil napupunta sa dagat o sa ilog ang dumi galing dito.

Special rapporteur ng UN, binanatan ni Duterte

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Diego García-Sayán.

Sinabi ng pangulo na maaari nang “mapunta sa impyerno” si Sayan dahil sa concern nito sa pinatalsik na Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Ginawa ng pangulo ang pahayag bago ito magtungo sa South Korea para sa kaniyang tatlong araw na official visit.

Nanindigan si Duterte na hindi siya nakialam sa pagpapatalsik kay Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition na isinampa ng Office of the Solicitor General.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque marahil ay misinformed si Sayan sa nangyayari kay Sereno na mismong kasamahan nito sa Korte Suprema ang nagpatalsik dito.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *