National

Duterte muling isinusulong ang peaceful resolution sa isyung ‘di pagkakaunawaan sa ibang bansa


Muling isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peaceful resolution sa isyu ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
Sinabi ni Pangulong Duterte na ito ang mabisang hakbang sa pagtugon sa isyung hindi pagkakaunawaan sa ibang bansa.
Ginawa ng pangulo ang pahayag sa kanyang pagdalo sa ika-75 “Araw ng Kagitingan” sa Mount Samat National Shrine sa Bataan.
Una nang ipinag-utos ni Duterte sa militar ang pagtatayo ng mga istraktura at pasilidad sa walong isla at isang shoal na bahagi ng Kalayaan Island Group sa WPS.
Plano rin ng pangulo na magtungo sa Pag-asa Island para pangunahan ang paggunita sa Independence Day sa Hunyo 12, 2017.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *