National

Duterte may sisibakin pang isang government official

Mayroon pa umanong sisibakin si Pangulong Rodrigo Duterte na isang government official.
Ginawa ng pangulo ang pahayag sa pagbisita niya sa Camp Evangelista Hospital sa Cagayan de Oro City.
Nagbabala rin ang pangulo sa mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Immigration (BI).
Aniya, isa lamang sa mga ito ang magkaroon ng kasalanan ay sisibakin niya ang lahat sa kanilang mga puwesto.
Una nang sinibak ni Duterte ang nasa siyamnapu’t dalawang empleyado mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.


 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *