National

Duterte iniutos na palayain ang 14 ‘convicted’ CPP-NPA members’


Ibinalita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Filipino community sa Hong Kong ang pagpapalaya niya sa labing-apat na miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na nakapiit sa New Bilibid Prison (NBP).
Sinabi ni Pangulong Duterte na ang labing-apat na bilanggo ay mga convicted na miyembro ng makakaliwang grupo.
Ginawa ito ng pangulo kasunod ng pagpapakilala niya sa lefties na miyembro ng kanyang Gabinete na sina Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Rafael Mariano at National Anti-Poverty Commission Chair Secretary Liza Maza.
Sinabi naman ni CPP founder Jose Maria Sison na wala siyang alam sa pagpapalaya sa mga miyembro ng NPA.
Sa kabila nito, naniniwala si Sison na ang pagpapalaya sa mga NPA ay welcome development sa isinasagawang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at national Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *