Duterte
National

Duterte, inatasan ang DOH na paigtingin ang kampanya sa pagbakuna

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health na paigtingin ang kampanya ng gobiyerno sa pagbabakuna sa mga bata.

Kasunod ito ng pagdedeklara ng DOH ng measles outbreak sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Kailangang makumbinsi ang mga magulang na magtiwala sa immunization program ng gobyerno.

Sinabi ito ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles sa isinagawang cabinet meeting sa Malakanyang.

Naniniwala si Nograles na nag-iwan ng takot sa mga magulang ang kontrobersya sa Dengvaxia issue.

Kaya tumatanggi ang mga ito na pabakunahan ang kanilang mga anak lalo sa kontra-tigdas.

Ayon kay Nograles, mismong si Pangulong Duterte na ang umaapela sa publiko na magtiwala at huwag matakot sa immunization program ng DOH.

Para maiwasan ang pagkakasakit ng mga bata.

DOH, umapela sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak

UMAPELA ang Department of Health (DOH) sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra tigdas at isantabi ang isyu sa dengue vaccine.

Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque na ang pagpapabakuna ang pinakamabisang paraan para makaiwas sa sakit.

Iginiit ni Duque na mas nakakabahala ang epekto ng hindi pagpapaturok ng measles vaccine.

Kasunod ito ng pagdedeklara ng DOH ng measles outbreak sa limang rehiyon sa bansa.

Kabilang dito ang National Capital Region, Calabarzon, Central Luzon, Western at Central Visayas.

Ayon kay Duque, patuloy na minomonitor ngayon ng DOH ang mga kaso ng tigdas sa ilang lugar.

Kabilang ang MIMAROPA, Ilocos Region, Northern Mindanao, Eastern Visayas at SOCCSKSARGEN.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *