National

Duterte hindi aapela para sa kumpirmasyon ng mga na-bypass na CabSec


Nanindigan ang Malakanyang na hindi aapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mambabatas para sa kumpirmasyon ng mga na-bypass na Cabinet members.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, hindi pakikialaman ng pangulo ang kumpirmasyon sa kanyang Gabinete.
Gayunman, buo aniya ang tiwala ng pangulo sa mga ito kaya’t muling itinalaga sa kanilang mga puwesto.
Ang tinutukoy ni Abella ay sina Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Rafael Mariano, Department of Health (DOH) Secretary Paulyn Ubial, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *