National

Duterte, handang-handa na sa ASEAN hosting; Trump, di-tiyak kung darating

Handang-handa na si Pangulong Rodrigo Duterte bilang host member para sa ASEAN Summit ngayong taon.
Sinabi ni Pangulong Duterte, matagal na niyang napag-aralan at napagplanuhan ang agenda ng summit ngayong taon.
Ang nasabing pagpupulong ay dadaluhan ng ASEAN at world leaders.
Samantala, inamin ni Pangulong Duterte na hindi siya tiyak kung makadadalo at makapupunta sa Pilipinas si US President Donald Trump.
Ayon kay Duterte, mainam daw kung makapupunta si Trump dahil pakikinabangan ito ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *