IPINATITIGIL
National

Duterte Administration sa pagtugon sa ekonomiya ng bansa, binatikos

IPINATITIGIL ni Vice President Leni Robredo ang pagmamaliit ng Duterte Administration sa epekto ng inflation rate.

At ang pagsasabi na ito ay palatandaan ng paglago ng ekonomiya ng bansa.

Binigyang diin ng bise presidente na magiging walang silbi ang paglago ng ekonomiya.

Kung hindi naman ito ramdam o nakakatulong sa pamumuhay ng mga mahihirap.

Ayon ito inilabas na pahayag ng bise presidente kaugnay sa pagsipa sa 6.4% ng inflation rate sa bansa,

“We ask the government to stop dismissing inflation as a sign of a growing economy,”aniya.

“Economic growth is meaningless if it does not redound to the uplifting of the lives of the poorest segment of our society,” dagdag niya.

Aniya pa, hindi ikakaila na ang pangunahing apektado o tinatamaan ng mataas na presyo ng mga bilihin ay ang mga mahihirap.

“We cannot simply ignore the fact that our fellow Filipinos are suffering,” aniya pa.
“Especially the poor, as the highest increases were observed in food and beverages that comprise the biggest share of a family’s household budget.”

Nanawagan si Robredo, na itigil na ng duterte administration ang pamumulitika.

At maiging tutukan nalang ang mga paraan kung paano masolusyonan ang mataas na presyo ng mga bilihin.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *