DTI
Metro

DTI, nagsagawa ng price monitoring sa isang palengke at supermarket sa Muñoz sa Quezon City

Nagsagawa ng price monitoring ang mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa isang palengke at supermarket sa Muñoz sa Quezon City.

Sa pag-iikot ng DTI, natuklasan na ilang tindera ng galunggong at manok ang nagtitinda nang mas mahal sa Suggested Retail Price (SRP).

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, nasa 140 hanggang 150 pesos kada kilo ang presyo ng galunggong sa Muñoz Market na dapat ay 100 hanggang 110 pesos kada kilo lamang.

Mahal din ang presyo ng manok na nasa 150 pesos kada kilo na dapat ay 135 hanggang 140 pesos lamang ang kada kilo.

Samantala, ininspeksyon din ng DTI ang presyo ng bottled water dahil sa problema sa supply ng tubig sa Metro Manila.

SMNI Newsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *