kandidato sa Barangay
Metro

Drug test challenge ng PNP, dinagsa ng mga kandidato sa Barangay at SK

Kasalukuyang nasa halos 200 na bilang ng mga  kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) ang nagpalista at sumailalim sa drug testing ng Philippine National Police (PNP) sa Quezon City.

Ito ay matapos ilunsad ang naturang programa nitong nakaraang Lunes.

Ayon sa Cubao Police Station 7, tumugon ang naturang mga kandidato sa panawagan ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na boluntaryong magpasailalim sa drug test upang linisin ang kanilang pangalan at ipakita sa publiko na hindi sila gumagamit ng iligal na droga.

Ang nasabing drug test ay ambag ng Quezon City Police District sa komunidad upang matiyak na wala nang narco-politicians o manunungkulan sa bayan na adik o sangkot sa kalakalan ng iligal na droga.

Ulat ni Mike Almonte

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *