gumuhong bundok
Regional

DPWH office sa Mt. Province natabunan ng gumuhong bundok

PATAY ang apat na mga evacuees matapos matabunan ng gumuhong bundok ang gusali ng 2nd District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nangyari ito sa Bayan ng Natonin, Mountain Province.

Ayon kay Natonin Mayor Mateo Chiyawan, nagsilbing evacuation centers ng mahigit 30 mga residente ang gusali ng DPWH sa Barangay Banawel.

Sinabi ni Chiyawan na natabunan ang kabuuan ng opisina ng gumuho ang bundok sa tapat ng gusali.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang rescue operation sa mga evacuees na nakulong sa loob ng gusali.

Sa tulong ng mga lokal na opisyal ng barangay at mga volunteers.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *