International

Donald Trump at Theresa May, sinisi ang Russia at Syria sa karahasan sa Eastern Ghouta

Sinisi ni US President Donald Trump at British Prime Minister Theresa May sa Russia at Syria ang nagpapatuloy na karahasan sa Eastern Ghouta.

Ito ang isa sa mga natalakay ng dalawang lider sa kanilang pag-uusap sa telepono kaugnay ng humanitarian situation sa Ghouta.

Sinabi ni May na ang Russia ang pangunahing tagasuporta ng rehimen ni Syrian President Bashar Al-Assad na kontrolado na ang halos buong Eastern Ghouta.

Giit nina Trump at May na kailangan nang kumilos ng Russia at ng iba pang nakaiimpluwensya kay Al-Assad para matigil na ang karahasan at maprotektahan ang mga sibilyan sa nabanggit na lugar.

Umabante ang Syrian government sa Eastern Ghouta matapos ang labinlimang araw na airstrikes, artillery fire at rocket attacks na ikinasawi ng hindi pa mabatid na bilang ng mga sibilyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *